REPLEKSYON
Ang buhay ng isang tao ay may kanya kanyang
layunin, pagsubok man o pagkakataong mabago nito ang pananaw ng kanyang sarili.
Iba't iba man ang persepsyon ng bawat isang indibidwal sa salitang suliranin ay
mananatili naman itong aral sa bawat isa. At gaano man kalaki ang pagsubok ng isang
tao sa buhay, malalampasan ito kung may paniniwala sa sariling kakayahan at
pananaw sa buhay. Sa huli'y hindi pa rin maikakailang may makukuhang aral dito
malaki man o maliit.
Sa maikling kwentong ito ay masasabi kong
punong puno ito ng aral sa buhay at may mga simbolismong nagpapakita ng iba't
ibang uri ng tao sa mundo. Katulad ng carrot, malakas sa una pero kapag nakaranas
na ng suliranin ay unti unting nagbabago at nanghihina. Katulad din ng itlog na
sa simula lamang maganda ang mga pinapakita sa kapwa pero habang nagtatagal ay
nagiiba at sumasama na ang ugali at naaapektuhan na rin ang mga nasa paligid
nito. At ang huli, ang butil ng kape na sumisimbolo sa tapang at lakas ng isang
tao. May pagdaan mang problema sa buhay ang tao ay may kakayahang pumili nang
mga bagay na makakalagpasaya at alam nyang nararapat na ginawa ng anak ng magbubukid,
pinili nyang maging katulad ng butil ng kape, malakas at matapang katulad din
ng kanyang ama.
Inspirasyon ng isang anak ang mga magulang
sa pagabot ng pangarap. Kaya sa kwentong ito ay pinatunayan nyang kaya nyang
maging katulad ng ama na malakas at matatag. Ginawa rin nyang inspirasyon ang
paliwanag nito tungkol sa carrot, itlog at butil ng kape. Sana lang ay marami
pang anak ang maging katulad nito na kayang ipakita sa magulang ang importansya
nito. Dahil sila ang mga tunay na sinasabing matatapang na anak.
May negatibo mang mensahe ang bawat simbolong
ito, nananatili pa rin ang dulot nitong aral sa atin. May kahinaan mang mamutawi
sa isip ng tao ay magiging malakas naman ito sa huli. Susubok at susubok ang
tadhana at panahon sa mga taong malakas ang paniniwala sa sariling kakayahan.
Magkaron man nang napakaraming hadlang matatapos at matatapos pa rin ang araw
na may baong pagasa pagdating ng bukas. At ang mensahe ng butil ng kape ay
mananatiling nakatatak sa puso sa pagharap ng bagong liwanag.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento