Linggo, Nobyembre 13, 2016

Mensahe ng Butil ng Kape

Buod:

Isang araw, habang nagbubungkal ng lupa ang magsasaka, narinig niyangnagmamaktol ang kaniyang anak na lalaki. Narinig nitong binabanggit ng kaniyang anak ang hirap at pagod na  nararanasan sa pagsasaka at pagbubungkal ng bukirin.

Ayon pa sa anak , nararamdaman niya na hindi makatarungan ang kaniyang buhaydahil sa hirap na nararanasan niya. Sa pagkakataong iyon, tiningnan  ng ama anganak  at tinawag  niya papunta sa  kusina.
 
Nilagyan ng ama ang tatlong palayok ng tubig at saka isinalang sa apoy.
Hindi nagtagal, kumulo ang tubig. Sa unang palayok, inilagay ng ama ang carrot. Sa pangalawa naman ay mga itlog. Sa panghuli, butil ng kape ang inilahok.

Tinanong ng ama ang kaniyang anak kung ano ang maaaring mangyari sa carrot, itlog at kape na kaniyang inilahok. Makalipas ang dalawampung minuto, inalis ng ama ang mga baga at pinalapit ang anak sa mga palayok.
 
Napansin ng anak na ang carrot ay lumambot. Inutusan naman siya ng ama na kunin ang itlog at hatiin ito. Matapos mabalatan ang itlog, napansin niya na buo at matigas na ito dahil sa pagkakalaga.

Nagsimulang magpaliwanag ang ama tungkol sa dinaanang proseso ng carrot, itlog,at butil ng kape. Pare-pareho itong inilahok sa kumukulong tubig subalit iba-iba ang naging resulta. 

Karot? Matigas, Matibay at Malakas nung una ngunit nang ito'y mailahok sa mainit at kumukulong tubig, naging malambot, mahina at unti-unting nawawala ang kulay.
Itlog? Malambot ang laman ngunit noong ito ay nailahok sa mainit na tubig naging matigas ang loob nito.Samantalang ang butil ng kape ay matigas, kulay-kayumanggi at ito'y natural extract ngunit ng ito'y mailahok sa kumukulo at mainit na tubig, ito'y natunaw at ang kulay ng butil ng kape ay kumalat at naihalo sa tubig. At yung tubig ay nagkaroon ng kulay at nagkaroon ng masarap na lasa.  

Tinanong ng ama ang kaniyang anak kung alin siya sa tatlong sangkap at ipinaunawa dito na ang kumukulong tubig ay katumbas ng suliranin sa buhay. Kapag ito ay kumatok sa ating pinto, paano ka tutugon? Ikaw ba ay magiging carrot, itlog o butil ng kape?” usal ng ama.

Tinanong niya ang anak kung siya ba ay magiging carrot na malakas sa una subalit nang dumating ang pagsubok ay naging mahina. O kaya naman ay tulad ng itlog na ang labas na balat ay nagpapakita ng kabutihan ng puso subalit nabago ng init ng kumukulong tubig. Ang itlog ay nagpapaalala na minsan may mga taong sa una ay may mabuting puso subalit kapag dumaan ang pagsubok, sila ay nagkakaroon ng tigas ng kalooban. O maging tulad kaya ng butil ng kape na nakapagpabago sa kumukulong tubig. Kapuna-puna na sa tulong ng butil ng kape, nadagdagan ng kulay at bango ang kumukulong tubig. 

Tinanong ng ama kung paano hinaharap ng kaniyang anak ang mga suliranin sa buhay. Kung siya ba ay sumusunod lamang sa kung ano ang idinidikta ng sitwasyon o nagsusumikap maging matatag sa harap ng mga pagsubok. 

At ang tanong muli ng ama sa kaniyang anak ay kung alin ito sa tatlong sangkap. Kung siya ba ay carrot , itlog, o butil ng kape.

“ako ay magiging butil ng kape...katulad mo mahal na ama"  -ang tugon ng anak habang nakangiti.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento