Lunes, Nobyembre 14, 2016

REPLEKSYON

                   Ang buhay ng isang tao ay may kanya kanyang layunin, pagsubok man o pagkakataong mabago nito ang pananaw ng kanyang sarili. Iba't iba man ang persepsyon ng bawat isang indibidwal sa salitang suliranin ay mananatili naman itong aral sa bawat isa. At gaano man kalaki ang pagsubok ng isang tao sa buhay, malalampasan ito kung may paniniwala sa sariling kakayahan at pananaw sa buhay. Sa huli'y hindi pa rin maikakailang may makukuhang aral dito malaki man o maliit. 

                  Sa maikling kwentong ito ay masasabi kong punong puno ito ng aral sa buhay at may mga simbolismong nagpapakita ng iba't ibang uri ng tao sa mundo. Katulad ng carrot, malakas sa una pero kapag nakaranas na ng suliranin ay unti unting nagbabago at nanghihina. Katulad din ng itlog na sa simula lamang maganda ang mga pinapakita sa kapwa pero habang nagtatagal ay nagiiba at sumasama na ang ugali at naaapektuhan na rin ang mga nasa paligid nito. At ang huli, ang butil ng kape na sumisimbolo sa tapang at lakas ng isang tao. May pagdaan mang problema sa buhay ang tao ay may kakayahang pumili nang mga bagay na makakalagpasaya at alam nyang nararapat na ginawa ng anak ng magbubukid, pinili nyang maging katulad ng butil ng kape, malakas at matapang katulad din ng kanyang ama. 

                   Inspirasyon ng isang anak ang mga magulang sa pagabot ng pangarap. Kaya sa kwentong ito ay pinatunayan nyang kaya nyang maging katulad ng ama na malakas at matatag. Ginawa rin nyang inspirasyon ang paliwanag nito tungkol sa carrot, itlog at butil ng kape. Sana lang ay marami pang anak ang maging katulad nito na kayang ipakita sa magulang ang importansya nito. Dahil sila ang mga tunay na sinasabing matatapang na anak. 

                  May negatibo mang mensahe ang bawat simbolong ito, nananatili pa rin ang dulot nitong aral sa atin. May kahinaan mang mamutawi sa isip ng tao ay magiging malakas naman ito sa huli. Susubok at susubok ang tadhana at panahon sa mga taong malakas ang paniniwala sa sariling kakayahan. Magkaron man nang napakaraming hadlang matatapos at matatapos pa rin ang araw na may baong pagasa pagdating ng bukas. At ang mensahe ng butil ng kape ay mananatiling nakatatak sa puso sa pagharap ng bagong liwanag.

Linggo, Nobyembre 13, 2016

Mensahe ng Butil ng Kape

Buod:

Isang araw, habang nagbubungkal ng lupa ang magsasaka, narinig niyangnagmamaktol ang kaniyang anak na lalaki. Narinig nitong binabanggit ng kaniyang anak ang hirap at pagod na  nararanasan sa pagsasaka at pagbubungkal ng bukirin.

Ayon pa sa anak , nararamdaman niya na hindi makatarungan ang kaniyang buhaydahil sa hirap na nararanasan niya. Sa pagkakataong iyon, tiningnan  ng ama anganak  at tinawag  niya papunta sa  kusina.
 
Nilagyan ng ama ang tatlong palayok ng tubig at saka isinalang sa apoy.
Hindi nagtagal, kumulo ang tubig. Sa unang palayok, inilagay ng ama ang carrot. Sa pangalawa naman ay mga itlog. Sa panghuli, butil ng kape ang inilahok.

Tinanong ng ama ang kaniyang anak kung ano ang maaaring mangyari sa carrot, itlog at kape na kaniyang inilahok. Makalipas ang dalawampung minuto, inalis ng ama ang mga baga at pinalapit ang anak sa mga palayok.
 
Napansin ng anak na ang carrot ay lumambot. Inutusan naman siya ng ama na kunin ang itlog at hatiin ito. Matapos mabalatan ang itlog, napansin niya na buo at matigas na ito dahil sa pagkakalaga.

Nagsimulang magpaliwanag ang ama tungkol sa dinaanang proseso ng carrot, itlog,at butil ng kape. Pare-pareho itong inilahok sa kumukulong tubig subalit iba-iba ang naging resulta. 

Karot? Matigas, Matibay at Malakas nung una ngunit nang ito'y mailahok sa mainit at kumukulong tubig, naging malambot, mahina at unti-unting nawawala ang kulay.
Itlog? Malambot ang laman ngunit noong ito ay nailahok sa mainit na tubig naging matigas ang loob nito.Samantalang ang butil ng kape ay matigas, kulay-kayumanggi at ito'y natural extract ngunit ng ito'y mailahok sa kumukulo at mainit na tubig, ito'y natunaw at ang kulay ng butil ng kape ay kumalat at naihalo sa tubig. At yung tubig ay nagkaroon ng kulay at nagkaroon ng masarap na lasa.  

Tinanong ng ama ang kaniyang anak kung alin siya sa tatlong sangkap at ipinaunawa dito na ang kumukulong tubig ay katumbas ng suliranin sa buhay. Kapag ito ay kumatok sa ating pinto, paano ka tutugon? Ikaw ba ay magiging carrot, itlog o butil ng kape?” usal ng ama.

Tinanong niya ang anak kung siya ba ay magiging carrot na malakas sa una subalit nang dumating ang pagsubok ay naging mahina. O kaya naman ay tulad ng itlog na ang labas na balat ay nagpapakita ng kabutihan ng puso subalit nabago ng init ng kumukulong tubig. Ang itlog ay nagpapaalala na minsan may mga taong sa una ay may mabuting puso subalit kapag dumaan ang pagsubok, sila ay nagkakaroon ng tigas ng kalooban. O maging tulad kaya ng butil ng kape na nakapagpabago sa kumukulong tubig. Kapuna-puna na sa tulong ng butil ng kape, nadagdagan ng kulay at bango ang kumukulong tubig. 

Tinanong ng ama kung paano hinaharap ng kaniyang anak ang mga suliranin sa buhay. Kung siya ba ay sumusunod lamang sa kung ano ang idinidikta ng sitwasyon o nagsusumikap maging matatag sa harap ng mga pagsubok. 

At ang tanong muli ng ama sa kaniyang anak ay kung alin ito sa tatlong sangkap. Kung siya ba ay carrot , itlog, o butil ng kape.

“ako ay magiging butil ng kape...katulad mo mahal na ama"  -ang tugon ng anak habang nakangiti.